Bato bato sa Langit ..


Proud to be Pinoy!!

Mula ng magkaisip ay ang taas na ng pagtingin ko sa aking pagka Pilipino, salamat sa aking mga naging guro at magulang dahil sa aking murang gulang ay naitanim nila ito sa aking puso at isipan.

Pagkalipas ng maraming taon. Ako’y nag binata, nagka asawa at nagkaroon ng sariling pamilya. Nag karoon ng pagkaka taon na mangibang bansa. At dito na namulat ang isipin ko sa katotohan sa tunay na antas ng lahi ko kumpara sa ibang lahi.

Sa bansa na aking pinuntahan ay na ikumpara ko ang bansa na aking sinilangan. Dito ay payapa at masaganang na ninirahan ang mga lokal na mamamayan, may disiplina, malinis na kapaligiran, maayos na kalsada na tila baga umaga pa dahil sa liwanag ng ilaw sa pagkagat ng dilim (ilaw sa bawat poste na walang patid).

Pero teka parang may mali? Sa gandang ng bansang ito’y tila baga may nakaka sira sa kanyang imahe..

Mula sa pag lobo ng populasyon ng mga pilipinong nakiki pag sapalaran dito na halos mag siksikan na sa isang maliit na kwarto para lang makatipid. Minsan isang araw hindi na siguro nakatiis ang aking katrabaho at nagtanong, (sa wikang Pilipino) bakit padami ng padami yung mga kababayan mo dito?anong ginagawa nila dito?wala ba kayong gobyerno para mabigyan kayo ng trabaho? Na may pang iinsulto pang kasama..  Sa pagkaka taon na yun ay isang matamis na ngiti na lang ang aking naisagot sa kanya.

Sa dami ng kababayan nating bading na nag lipana sa tuwing sasapit ang gabi, na halos pati ang mga tunay na barakong pinoy ay na pagka kamalanan ng tulad nila.

Mga pilipinang tila baga’y naka kain ng isang sakong sili na dahil sa init ng katawan ay halos pati madudungis na ibang lahi ay pinatus pa.. na kahit pa sa ano mang kadahilanan ay hindi mo maintindihan o para bagang ayaw mo na lang intindihin dahil sa nasasaktan ka sa tuwing sila’y ginagawang katatawanan ng ibang lahi na iyong katrabaho.

Mga kababayan na nasangkot sa gulo dahil sa kalasingan, nakulong dahil sa hindi mabayarang utang, mga nasangkot sa nakawan, mga kababayan nating nag tuturo ng wikang Pilipino sa ibang lahi na ang itinuturo naman ay puro kalaswaan at marahil ay marami pang iba na hindi na umabot sa aking paningin..

Madalas tuloy ang bansang ito ay tinatawag rin na  “The sin City”. Proud to be pinoy ha..

Pagkatapos ng aking kontrata ay nag pasya akong bumalik ng bansa at naka pag trabaho sa isang foreign company.

Tila baga na ang pag nanakaw ay na nanalaytay na sa dugo ng marami nating kababayan. Mag mula sa pag nanakaw ng mga tools, materials and equipments na kailangan para sa field work, gamit sa opisina na walang patawad pati puncher ay tinira pa, pandaraya sa bilang ng oras sa trabaho (time in/ time out), na pati ang toilet paper at sabon sa CR ay hindi pinatawad na talagang mapapa letse ka pag ikaw ay walang magamit sa oras ng pangangailangan.

Kaya kapag nakarinig ka ng masakit na salita o comment na mula sa iyong foreign co-worker o bosses ay huwag mo ng pakuluin ang dugo mo, ngumiti ka na lang at piliting kumbinsihin sila na hindi lahat ng Pilipino ay ganon na nga, karamihan lang.. hahaha. Proud to be pinoy ha..

Minsan sa pag uwi ng bahay galing sa trabaho ay may naka tabi ako isang may gulang na lalaki sa bus. Siguro nga ay hindi niya na matiis ang kanyang gutom kaya kinain ang dala niyang biskwit. Dahil sa siksikan sa bus noong mga oras na yun, sa bawat pag kagat nito’y tumitilapon sa aking mukha ang maliliit na piraso ng kanyan biskwit. Ayus lang gutom ko e, ha..!! Ngunit pagkatapos niyang kumain ay walang ano ano’y itinapos nito ang plastic ng biskwit sa labas ng bintana habang umaandar ang bus.. ai letse ka kuya.. ang sarap mong sakalin!! Anong tingin mo sa bansa o bayan mo isang malaking busurahan na kahit saang dako ay pwede kang magtapon?

Na sa loob man ng private vehicle, tricycle, naka motor o kaya’y nag lalakad, basta na lang mag tatapon ng basura sa kalsada.

Hindi ba tayo naturaan ng magandang asal?

Mga hubad barong tambay sa kanto na tadtad ng tattoo sa katawan na wala ng inabangan kundi ang pag patak ng alak sa lalamunan na kapag may amats nay mag hahanap ng batong mahihigop at maya maya’y pag titripan ang kainuman o ang dumaraan na makukursunadahan. Sila ba yung mga tumatanda na wala pinagka tandaan o sadyang proud to be Pilipino lang?

Napakaraming issue sa ating bayan na akala natin ay ayus lang, minsan ay nagiging manhid na rin tayo sa mga ito, marahil dahil ito’y parte na ng ating pang araw araw na pamumuhay  na hindi natin na mamalayan na ito na pala ay naka sira sa imahe ng ating inang bayan.

Madalas din maraming issue sa ating bayan na isinisisi natin sa ating pamahalaan.. ngunit kahit minsan ba’y naitanong mo sa iyong sarili kung paano ka makaka ambag sa pag angat ng ating inang bayan?

O mag papadala ka na lang sa mga naririnig mo sa media at nababasa sa internet na “Proud to be pinoy” o “ I am proud to be a Pilipino”. Na hindi mo naman alam kung ano ibig sabihin nito?

Tandaan mo, walang maliit na Gawain sa isang bansang nag tutulungan..

Naniniwala ako na kahit mag pakamatay pa si Manny Pacquio sa ibabaw ng ring, kahit ilang El gamma penumbra pa ang manalo sa Asia’s got talent, kahit pa makuha ng Gilas Pilipinas ang pinaka aasam na gintong medalya sa FIBA Asia o kahit maka ilang Miss Universe pa ang ating bansa. Hindi pa rin ma babago nito ang tingin ng ibang lahi sa ating pagka Pilipino kung hindi natin babaguhin ang ating pagkatao tungo sa pagka karoon ng disiplina at respeto sa ating mga sarili. At kung hindi natin itataas ang antas ng ating pagka Pilipino dahil para sa mga bansang mauunlad hindi pamantayan para sa kanila ang pagka karoon ng boxing icon at iba pang mga tulad nito.

May naka pasok lang na pinoy sa American idol, Pilipino pride na! I am proud to be a Pilipino na!! ano to ha….?!!! #LolaniDora ( di ba pwedeng Happy lang.. ? )

Hindi naman nga siguro masama ang pumatol ka sa ibang lahi lalo na kung ito’y may kasama namang pag mamahalan, kung alam mo naman na wala kang sabit at kung alam mo rin naman na panalo ka sa laban. Ang pagiging bading kung ito naman ay kaya mong dalhin. Ang pangungutang kung talaga namang kailangan at kayang bayaran. Ang pag iinuman kung paminsan minsan at kung alam mo naman ang iyong hanganan.

Ang pag nanakaw? Lagi mo lang tatandaan na anumang bagay na meron ka dito sa lupa ay hindi mo madadala kapag ikaw na ay hinatulan ng kamatayan ng ating Panginoon na may lalang ng langit at lupa. Makontento ka sa mga bagay na meron ka at piliting abutin ang mga pangarap sa mabuting kaparaanan.

Sa huli hindi mo na kailangang ipag sigawan na “I am proud to be a Piiipino” sapagkat ito na ay iyong nararamdaman na tulad ng mga Onaks na kahit kailanman ay hindi binangit o naging bukang bibig ang katagang “I am proud to be Onak”.

” baligtarin ang salitang onak at isalin sa wikang banyaga ” ang sarap sanang pakinggan pero hindi nila ginagamit yan.. !

Sadyang napaka hirap ngang baguhin ang ating mga sarili ngunit ito’y alam nating posible kung atin lang itong ipamumuhay at kung hahayaan lang natin na kumilos sa ating mga puso at isipan ang Panginoon na siyang lumikha ng sangkatauhan.

     ” Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Ang karalitaang may dangal ay higit na mahalaga kaysa sa yamang walang karangalan “. – Pangulong Manuel L. Quezon

Ika labing isa ng Disyembre 2015
RSzero3

HOME

Leave a comment